Friday, August 30, 2013

LINGGO NG WIKA

By Marivir R. Montebon

wikalakandiwa

Hindi ko akalain
At akoy nagagalak na
Ako ay makagawa ng tula
At hindi balita
Sa araw ng pambansang wika.

Halata na si ConGen Mario de Leon
Na nahihirapang lubos
Na magsalita ng wikang Pilipino
Ngunit masarap pakinggan ang
Kanyang pagbati sa mga dumalo.

wikakay

Kay tamis ng tinig ni Bb. Kay Habana
Na siyang umawit na pagka-akit akit
Na mga himig na ikinatutuwa ng puso.

wikatulagener

Masigla at madamdamin si G. Randy Gener
Na nagbigkas ng mga tula ng
Pag-ibig ni Corazon de Jesus,
Ako ang Daigdig ni Alejandro Abadilla,
Masdan ang Magsasaka ni Rio Alma,
Santong Paspasan ni Jose Lacaba,
at ang kanyang mga sariling likha
Paraiso ang Kubeto Ko, at
Sa Alaala ng Pagpanaw ni
Lolo Kong Mahilig sa Bayabas.

wikajessmar
Tuwang-tuwang ang mga bisita
Sa isang munti at magaling na mang-aawit,
Si Jessmar Ruel Bahian
Na kantahin bigla ng akapela ang kantang
Isang Lahi dahil nasira yata CD niya.

wikalakandiwa
Patuloy na naging masaya ang gabi
Sa Balagtasan nina Gng. Frances Dominguez
At Gng. Shirley Cuyugan-O'Brien
Si Gng. Sofia Garcia-Abad ang Lakandiwa
Na nagbalangkas sa usapin
Saan mas mainam na magretiro,
Sa Amerika ba o sa Pilipinas?
Ang mga dumalo ang silang humusga
Kung saan ng nila gusto.

Ganun pa man
Akoy ubod ng galak
Di ko akalain
Mas mabilis pa palang makasulat
Ng Tula kay sa balita
Sa sarili nating wika.

wikaobrien wikabalagtasaner

2 comments:

  1. Ang galing! Sana itutula na lang din ang mga balitang bayan sa sariling wika nang ma enganyo ang masang mahihirap na lalong magbasa patungkol sa mga isyu at kalagayang panlipunan. Magandang paraan ito nang mapukaw ang damdaming makabayan at magkaisa.

    ReplyDelete
  2. salamat po, gng. sanchez. ito po ang unang pagkakataon na ang OSM! ang nakagawa ng tula bilang balita. nahihirapan akong magsalita ng pambansang wika, dahil sanay tayo sa wikang ingles. pero napakasarap pala ang makaraos magsalit ng ating sarili, parang isang personal na tagumpay. dapat nga po ay ating gawing mas madalas ang mga okasyon na ganito...ang pagtutula, pag-aawit, at pagtalumpati, dahil mas ramdam na mula sa puso ito. mabuhay po kayo!

    ReplyDelete